BUENAVISTA AT SAN FRANCISO, NAGCARLAN NATULUNGAN NG PROGRAMANG ALALAY SA BARANGAY NG LWD AT LARC



Sinumulan ng Laguna Water District (LWD) at Laguna Water District Aquatech Resources Corporation (LARC) at ang taong ito ng pamimigay ng libreng tulong medikal at dental sa mga residente ng Brgy. Buenavista noong Enero 24 at Brgy. San Francisco noong Enero 26 bilang bahagi ng kanilang programa na Alalay sa Barangay.

Ang mahigit sa dalawang daang residente ng dalawang barangay sa Nagcarlan ay nakatanggap din ng mga libreng bitamina at mga gamot para sa diabetes, ubo, sipon, atbp.

Inimbitahan ng LWD at LARC sina Dr. May Pagaspas-Cabigas at Dr. Coleen Callo-Dela Cruz upang magsagawa ng mga pagsusuring medikal habang sina Dr. Aries Ian S. Guiaya at Dr. Melvin E. Tailan ay nagbigay ng serbisyong dental.

Ang mga nabanggit na aktibidad ay naging matagumpay dahil na rin sa suporta at tulong ng mga opisyal ng barangay at barangay health workers na pinamunuan nina Barangay Buenavista Chair Anelyn Autor at Barangay San Francisco Chairman Licerio Monteagudo.