PROGRAMANG DALAYDAY NANGUNA SA PAGDAOS NG WORLD WATER DAY 2018



Para sa selebrasyon ng World Water Day (WWD) 2018, isang taunang kaganapan na ipinagdiriwang tuwing Marso 22 na inorganisa ng United Nations, nagsagawa ang Laguna Water District Aquatech Resources Corporation (LARC) at Laguna Water District (LWD) ng iba't-ibang mga aktibidad na napapailalim sa kampanya ng LARC na pinamagatang, "Dalayday: Lingapin yamang tubig"

(Sub topic) Linis Ilat

Isang malawakang "Linis Ilat" ang isinagawa sa Los Baños, Laguna nitong Marso 10, 2018. Sumali ang mga opisyal at residente ng iba't-bang barangay, partikular ang Anos, Bambang, Batong Malake, Baybayin, Bayog, Lalakay, Maahas, Malinta, Mayondon, San Antonio, Timugan, at Tuntungin-Putho, mga miyembro ng Fisheries and Aquatic Resources Management Councils (FARMC) at iba pang boluntaryo mula sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños.

Ito ang ikalawang taon na idinaos ng LARC at LWD ang malawakang paglilinis ng mga ilog sa Los Baños bilang paggunita sa World Water Day.

(Sub topic) Linis Ilat

Kasama ang lokal na pamahalaan ng Bay, nagsagawa ang LARC at LWD ng isang Linis Lawa sa Tagumpay, Bay, Laguna noong Marso 15, 2018 kung saan nakilahok ang mga kabataan, ilang grupo mula sa pribadong sektor, ahensya ng gobyerno, at iba pang organisyasyon.

Nakilahok sa aktibidad ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Laguna Lake Development Authority (LLDA), Association of Municipal and Barangay Environmental Council (AMBEC), CSO Tanaw ng Pag-asa, Solid Bay Producers Coop., Liga ng Barangay, Bay Tourism Office, at Envirokonsult.

Mahigit apatnapung bangka ang umikot sa lawa para makuha ang mga basura at ito ay pinangunahan ng mga miyembro ng Bay Federation of Fisherfolk (BFF).

Habang kinokolekta ng BFF ang mga basura sa lawa, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Bay ng maiksing programa at parada bago dumiretso ang mga kasali sa paglilinis sa tabing-lawa. Ang programa ay nagsilbing daan para talakayin ang sitwasyon ng kapaligiran at mga isyu ng mapagkukunang tubig sa kasalukuyan. Doon din, inanunsyo ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Nanunumparang Punumbayan Jose Padrid at Konsehal dan Lanceras na isang resolusyon ang ipinasa kung saan ang World Water Day ay taun-taon nang ipagdiriwang ng bayan ng Bay.

(Sub topic) Linis Ilat

Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng World Water Day at upang patuloy na imular ang kamalayan ng mga kabataan sa kahalagahan ng tubig, ang LARC ay nagsagawa ng isang photo contest para sa mga estudyante mula sa pribado at pampublikong mataas na paaralan ng Los Baños, Bay, Calauan, Victoria, at Nagcarlan.

Ayon ang paligsahan sa tema ng World Water Day na 'Nature for Water' - exploring nature-based solutions to the water challenges we face in the 21st century. Ibinahagi ng iba't-ibang estudyante ang kanilang talento sa pagkuha ng litrato. Mula sa mga lumahok, labing-dalawang larawan ang napiling ilagay sa Facebook page ng LARC kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng Facebook na iboto ang kanilang paboritong larawan.

Ang mga nanalo ay pinili ng mga hurado na sina Mr. Turano ng UP Photographer's Society at Assistant Professor Edmund Centeno ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños.

Noong March 22, 2018, inanusyo ng LARC ang mga nagwagi na sina:

1st place - John Arvin R. Salon of San Francisco Integrated National High School
2nd place - Audric Blyke C. Manalo of UP Rural High School
3rd place - Dan Alexander E. Abas of Liceo de Bay

Most popular entry on Facebook - Dhanna Mae A. Tolentino of San Roque National High School

Kasabay nito, ang mga konsesyonaryo na nagbayad ng kanilang mga water bill ay nagkaroon ng pagkakataon na makisaya sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang mga litrato sa WWD photobooth na inilagay sa harap ng LARC main office at makapag-uwi ng eco bag, payong, o tumbler.