LARC and LWD bring joy to students before school opens

Patuloy na isinasagawa ang programang Alalay sa Barangay ng Laguna Water District Aquatech Resources Corporation (LARC) kasama ang Laguna Water District (LWD) bilang parte ng kanilang programa sa corporate social responsibility (CSR). Mahigit apat na raang (400) residente ang naabutan ng tulong ng LARC at LWD ng sila ay magsagawa ng Wellness Day sa Brgy. Bangyas, Calauan noong Hunyo 23, 2018 at Brgy. Tuntungin-Putho, Los Banos noong Hunyo 25, 2018.

Nagkaloob ng libreng bunot ng ngipin ang LARC at LWD sa tulong ng mga dentista mula sa Philippine Dental Association- Laguna Chapter (PDA-LC). Nakatanggap din ang mga batang sumali sa aktibidad ng libreng gamit pangkalinisan tulad ng sipilyo, sabon, bimpo at toothpaste matapos ipaliwanag ng kinatawan mula sa PDA-LC ang tamang paraan ng pagsisipilyo at ni Gng. Nathalie Ross Panting ng LARC ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay.

Naroon din ang ilang mga doktor upang maghandog ng libreng check-up sa mga residente. Libreng gamot sa sipon, ubo, lagnat at bitamina naman ang natanggap ng mga pasyente mula sa LARC matapos silang magpatingin sa duktor.

Ayon kay LARC Community Relations and External Affairs Manager Anna Karenina Lim-Puerto, “ang programang Alalay sa Barangay ay patuloy na gagawin ng LARC at LWD upang mas marami ang matulungan. Nais ko ring magpasalamat sa lokal na pamahalaan ng Bangyas at Tuntungin-Putho dahil naging matagumpay ang mga aktibidad dahil na rin sa kanilang suporta.”

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com